Bukod Sa Mga Pansariling Salik Mayroon Pa Bang Ibang Mga Salik Na Dapat Isaalang-Alang Sa Pagpili Ng Kursong Pang-Akademiko O Teknikal-Bokasyonal O Ne
Bukod sa mga pansariling salik mayroon pa bang ibang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo? Anu-ano ang mga ito?
Oo mayroon pang dapat isaalang-alang maliban sa pansariling salik sa pagpili ng kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo.
Ang isang mahalaga ay ang pagkakaroon ng feasiblity study. Ano ito? Hindi mo kailangang maging isang bihasang analyst upang magawa mo ito. Sa simpleng pananalita, ang feasibility study ay ang paraan upang matiyak kung praktikal pa ba na gawin ang isang plano o ang mismong pamamaraan.
Sa pinipiling mong karera o negosyo, magtanong kung ang posibilidad na makakuha ka ng trabaho na inaasahan mo pagkatapos pa ng ilang panahon na matapos mo ang kurso. Paano kung napakarami ng mga katulad mo at iilan na lamang ang suplay ng trabaho? di bat katalinuhang pumili ng isang kurso na in demand hindi ngayon, kundi sa panahong mayroon ka ng sertipiko o bihasa ka na.
Isang karanasan dito sa Pilipinas ay ang pagpili ng kursong HRM at Nursing. Sa damin ng mga graduates, sila ay nabigyan ng maliit na sahod dahil sa dami ng naga-apply at napipilitan silang tanggapin ang exploitation na ito basta magka-experience. Ang ilan ay, sila pa ang nagbayad sa mismong employer kapalit ng kanilang working experience at sertipiko!
Kaya sa pag-aaral ng kurso o negosyong pipiliin, lumapit sa mga may karanasan. Hindi ng miminsan, magtanong hanggang sa makumbinsi kang ito na nga ang pipiliin ko.
Comments
Post a Comment